February 05, 2006

Isang tula para sa isang espesyal na tao

HARUKA, HARUKA


Hindi na kita matanaw
Sumisidhi ang kalungkutan
Mistulang pagod ang araw.

Wala akong mapuntahan
Tumatakbo ng walng lugar
Walang direksiyon ang daan.

Palayo ako mula sa iyo
Kasinlayo ng langit at lupa
Ngunit palapit sa puso mo.

Palayo nang palayo ang tadhana
Ang puso ko'y nabihag mo
Hindi na ako malalayo pa.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home