November 13, 2005

Isang poem na kanta pala hehehe...

Para sa Iyo
By: Learcival M. Baniqued

Sa buong buhay ko
Ikaw lang ang mahal
Ang tunay na pumapawi
Ng pagdaramdam

Sa buong buhay ko
Mananatili ka
huwag ka nang mangangamba
Ikaw lang sinta

Siguro nga'y mahal kita
Hindi ka na mag-iisa
Pag-ibig ko'y sa iyo lamang
Hindi ka na magdaramdam

Chorus:
At ako ay iyong dalhin
Sa ihip ng hangin
Sa tinig kong kay lamig
Awit ng paglalambing
At ako ay yakapin mo
Magpakailanman
Sana ay malaman kong
Ako'y iyong mahal

Sa tuwing kapiling ka
Buhay ko'y kaysaya
Nawawala ang problema
'Pag kasama ka

Sa tuwing kapiling ka
'Di na nag-iisa
Ako'y sa iyo, ika'y sa 'kin
Ang tanging hiling

Minsan pa ay madama
Pag-ibig na nadarama
Ang init na iyong hatid
Sana'y aking mabatid

Chorus:
At sa piling ko ay ikaw
Ang nag-iisa
Sa bawat araw ay ikaw
Ang aking nadarama
Yayakapin ka't hahagkan
Magpakailanman
Asahan mong habambuhay
Ika'y aking mahal

Sa 'king puso ay ikaw
Magpakailanman
Asahan mong habambuhay
Ikaw lang sa 'king buhay
Sana ay malaman mong
ika'y aking mahal

0 Comments:

Post a Comment

<< Home