Isang Tula...
Ang tulang ito ay iniiaalay ko sa isang taong napakespesyal sa buhay ko! alam mo na kung sino ka man...
Mahal na Mahal kita...
Miss na kita...
SIGURO'Y IN-LOVE AKO
Huwag kang magulo, O, puso ko
Nitong nakakaraa'y nag-iisip ako
Napakalayo na ng nararating nito
Para lang mapalapit sa iyo
Kahit ang mga tala
Ito'y napakaliwanag
Kapag magkalapit tayo
Ito'y isa pa ring misteryo
Lahat ng nakakakita sa atin
Alam kung ano'ng nangyayari sa akin
Hindi kailangan maging isang matalinong tao
Upang mahulaan kung ano ito
At hindi ito isang pangarap na iniisip
O isa lamang panaginip
Alam ko kung ano'ng sintomas ito
Siguro'y in-love ako
Nagtatanong sa sarili kung bakit
Para akong isang natutulog na sanggol sa gabi
Siguro'y makakatulong kung iisipin
Na bukas ay narito ka sa akin
Ayokong buksan ang aking mata
Magigising ako sa sumpang ito
At ngayo'y nagtataka
Hindi ako mabubuhay ng wala ka
O, ano'ng kaysaya
Ang habambuhay na masaya
parang boses ng mga anghel
Na tumatawag sa pangalan natin
At hindi ito isang pangarap na iniisip
O isa lamang panaginip
Alam ko kung ano'ng sintomas ito
Siguro'y in-love ako
Sa buong buhay ko'y pinangarap ko ito
Pero hindi ko makita ang iyong mukha
Hindi ako magtataka kung ang dalawang magkalayong tala
ay sa isang lugar rin mapupunta
Siguro'y in-love ako
Siguro'y in-love ako
Sa iyo
.jpg)

0 Comments:
Post a Comment
<< Home