December 09, 2005

Focus 2, Important & Urgent and Emphatic Understanding... Ang ikalawang training sa Pakikinig...

I. Focus 2
Binigyan kami ng isang papel na may nakasulat ngunit kailangan naming hintayin ang signal bago buksan at basahin ito. Nang ibinigay na ang signal, binuksan kaaagad namin ang papel at ang instruction na nakasulat dito ay "Count The F's"... Walang nakakuha ng tamang sagot dito dahil ang tamang sagot ay 7 na F ang nakalagay sa passage na binasa namin... kasama pala ang F na nasa instruction. Focus. Focus. Focus. Kailangan lagi nito upang makita ang tunay na sagot sa problema.
II. Important & Urgent
What is important and what is urgent? Nagsimula ang lahat ng maglabas ng dalawang baso si Sir Ren. Sa Baso 1 nilagay ni Sir (in particular order) ang malalaking bato, pebbles, buhangin at tubig. Sa Baso 2 naman ay inilagay niya ang tubig, buhangin, pebbles at malalaking bato. Ang observation dito ay umapaw ang Baso 2 kaysa sa Baso 1. Ano ang nais ipahiwatig nito? Sa ating buhay kailangan muna nating unahin ang malalaking bagay (ang malalaking bato) bago ang maliliit na bagay (ang tubig). Dahil kung uunahin mo ang maliliit na bagay, walang space ang malalaking bagay sa iyo na aapaw ka't hindi mo na kakayanin ang problema. Si Marie ang nakasagot nito kaya salamat sa kanya.
III. Emphatic Understanding
Putting yourself in the shoes of others... Instruction 1: pumili ng kapartner. Si partner A ay ikukuwento ang buhay niya kay Partner B for 15 minutes. Makikinig lang si Partner B. sa susunod na 15 minutes naman ay si Partner B ang magsasalita at si Partner A ang makikinig. After 30 minutes., ito na ang instruction 2: Ikuwento sa lahat ang napag-usapan ng mag-partner PERO iisipin ni Partner A na siya si Partner B at kailangan niyang magsalita na parang si Partner B siya. Gagawin rin ni Partner B iyon pagkatapos ni Partner A. Insight: Hindi na kailangan maging katulad mo ang isang tao upang maramdaman ang nararamdaman niya; ang kailangan lang ay isipin mo na nasa kalagayan niya ikaw at isipin mo ang mararamdaman mo. Iyon ang emphatic understanding. Putting yourself in the shoes of others.
*Ang Pakikinig*
The Questions:
1. May batas ba na nagsasabing bawal pakasalan ng isang biyudo ang kapatid na babae ng kanyang asawa?
2. Ang oras ay 8 ng gabi. Inialarm ang orasan ng 9 ng umaga. Sa isang simpleng orasan, ilang oras ang pagitan ng dalwang oras na nabanggit?
3. May Fourth Of July ba sa England?
4. Pumasok ka sa isang madilim na kuwarto. Meron kang dalang posporo. Sa kuwarto ay may Kandila at lampara. Ano ang una mong sisindihan upang makamit ang pinakamalakas na ilaw?
5. Ilang pare ng mga hayop ang dinala ni Moses sa kanyang bangka nang magkaroon ng 40 days na ulan?
6. Sa loob ng 5 laro, kailangang makatatlo ang isang grupo upang manalo. Tig-tatlong panalo ang Tigers at Lions. Pareho silang nanalo. Bakit nagkaganon?
7. Ilan ang average Birthday ng isang tao sa tanang buhay niya?
8.Ang isang lalaki ay nakakita ng isang coin na may nakasulat na 46 B.C. Bakit siya tinawag na sinungaling?
9. Nag-crash ang isang eroplane sa gitna ng boundary ng dalawang probinsiya. Saan dapat ilibing ang mga surviror sa Probinsiya A o sa Probinsiya B?
10. gumawa ng bahay ang isang matandang lalaki. sa apat na direksiyon (North, South, East, West) ay may pintuang nakalaan para dito. Biglang dumating ang isang polar bear mula sa south. Ano ang kulay ng bear?
Bale binasa lang ito ng isang beses ni Sir ren at kailangan talagang makinig ng maigi... Alam niyo ba ang score ko? 3. hehehe... nakakalito kasi yung ibang tanong eh!
The Answers:
1. Wala. Biyudo naman siya kaya ok lang.
2. 1 oras lang. Hindi naman makaka-recognize ng umaga at gabi ang isang simple/normal na relo.
3. Oo naman. kahit tayo may fourth of july di ba?
4. The match (obvious ba?)
5. Wala. Si Noah po kasi ang gumawa ng nangolekta ng hayop at hindi si Moses.
6. They didn't fight each other. HAHAHA...
7. 1 lang. Hindi ka naman ipinanganak ng paulit-ulit noh!
8. Isang kahibangan kasi hindi pa nga alam ng mga tao na darating si Kristo tapos gagawa na sila ng coin na 46 B.C. duh?!
9. Survivor sila noh! Hindi dapat sila ilibing!
10. White po. POLAR BEAR EH! at galing pa siya ng south pole.
*Sana nasiyahan kayo.*

December 04, 2005


Hello sa inyo! Posted by Picasa

Focus, Rejection and Prejudice... ang unang training sa Pagkakatotoo...

I. FOCUS
Focus. Ang ibig sabihin ay ang pagtuon ng sarili sa ISANG bagay... unang pinagawa sa amin ni sir Ren ay ang pagtingin sa isang papel na may sulat sa loob lamang ng isang saglit... napakahirap dahil madalian lang ang pagpapakita niya sa papel. Hindi naman sa pagmamalaki pero kasama ako sa 6 na taong nakakita ng mensahe ng sulat (ang salitang "fly"). Sabi ni kuya Ariel na isa raw itong gift sa akin na kailangan kong pagyamanin. Ang pagfo-focus daw ayon kay sir Ren ay isang napakahalagang bagay na dapat matutunan ng isang tao upang umunlad ang kanyang sarili. Ngayon alam ko na kung paano ko lilinangin ang aking kakayahan, ang aking "gift"; kailangan kong mag-focus ng maigi sa isang bagay at intindihin ito ng maigi...
II. REJECTION
Nagsimula ang lahat sa isang laro na kung saan kailangan kang humanap ng kapareha. May options ang iyong lalapitan na tao o grupo kung tatanggapin ka nila o hindi... kung hindi ka makakuha ng kapareha, malas mo hehehe... Masaya ang kinalabasan ng laro dahil nanalo ang karamihan sa amin pero nang tanungin ni sir Ren kung ano'ng naramdaman ng mga na-reject, doon na namin naintindihan kung ano ang ibig ipahiwatig ng "masayang" larong ito... Bakit nga ba tayo takot na ma-reject o maisantabi? Dahil hindi natin matanggap sa ating sarili na wala tayong kuwenta! Kunsabagay, sa araw-araw na ginagawa ko, marami akong nire-reject at akala ko ay ok lang iyon; pero ngayon ay hindi na ako natatakot na mag-reject ng iba dahil ayoko ring ma-reject. Pero kung mare-reject din ako, I'll understand na lang na siguro hindi talaga ako kailangan ng taong iyon. Kaya nga mas masaya ang mga araw ko eh dahil alam ko na may mga taong kailangan ako ipang madama nila na hindi sila mga taong walang kuwenta...
III. PREJUDICE
May ibinigay na sampung tanong si sir Ren at pagkatapos ng mga tanong na ito ay may ibinigay siyang mga "scores" batay sa mga isinagot namin... Ang nakuha ko lang ay 4 na points at kasama ako sa mga taong dapat mag-ingat sa mga lahat ng mga bagay-bagay sahil prone ako sa prejudice... ibig sabihin nito ay isa ako sa mga uto-uto na madaling magpaloko... isa lang naman ang gustong ipahiwatig ng activity na ito: timbangin ang mga bagay-bagay bago magsalita o kumilos; huwag magpadalos-dalos sa mga sasabihin o gagawin...

*Ang Pagkakatotoo*
Bago magtapos ang training ay nagkuwento muna si sir Ren:Sa isang cabinet ng mga laruan ay nag-uusap ang si velvet rabbit at si wooden horse. Sabi ni velvet rabbit, "Wooden horse, ano ba ang pagiging totoo?". "Ang pagiging totoo ay isang mahabang proseso." Sagot naman ni wooden horse."Mahirap ba iyon?" Tanong ulit ni velvet rabbit."Mahirap din pero sa huli nama'y magiging masaya ka." "Pero paano ba malalaman kung totoo ka na?""Malalaman mo na totoo ka na kapag nilalaro ka ng isang bata. At ang batang iyon ay mahal na mahal ka na halos bawat sandali'y katabi ka niya at lagi ka niyang pinaglalaruan, at masisira ka at magkakapunit. Pero kahit na ganun ka na ay mahal na mahal ka pa rin ng batang iyon at siyempre ikaw ay mamahalin mo rin ang bata kahit na punit-punit ka na at sira-sira... iyon ang pagiging totoo." Natahimik si velvet rabbit at nag-isip.Matagal bago niya sinagot si wooden horse."Ganun pala ang pagiging totoo... AYOKO maging ganun!"
Ano ba ang ipinapahiwatig ng istoryang ito? simple. Sa pagiging totoo meron ding mga risk na kailangang isaalang-alang. At ang risk na ito ang nagiging barrier natin kung bakit hindi natin kilala ang ating sarili. Ito ang dapat nating unang matutunan, ang pagiging totoo, upang makilala natin ang ating sarili at maipakita sa iba na ito tayo.