November 14, 2005

Isang Tula...

Ang tulang ito ay iniiaalay ko sa isang taong napakespesyal sa buhay ko! alam mo na kung sino ka man...
Mahal na Mahal kita...
Miss na kita...


SIGURO'Y IN-LOVE AKO

Huwag kang magulo, O, puso ko
Nitong nakakaraa'y nag-iisip ako
Napakalayo na ng nararating nito
Para lang mapalapit sa iyo

Kahit ang mga tala
Ito'y napakaliwanag
Kapag magkalapit tayo
Ito'y isa pa ring misteryo

Lahat ng nakakakita sa atin
Alam kung ano'ng nangyayari sa akin
Hindi kailangan maging isang matalinong tao
Upang mahulaan kung ano ito
At hindi ito isang pangarap na iniisip
O isa lamang panaginip
Alam ko kung ano'ng sintomas ito
Siguro'y in-love ako

Nagtatanong sa sarili kung bakit
Para akong isang natutulog na sanggol sa gabi
Siguro'y makakatulong kung iisipin
Na bukas ay narito ka sa akin

Ayokong buksan ang aking mata
Magigising ako sa sumpang ito
At ngayo'y nagtataka
Hindi ako mabubuhay ng wala ka

O, ano'ng kaysaya
Ang habambuhay na masaya
parang boses ng mga anghel
Na tumatawag sa pangalan natin
At hindi ito isang pangarap na iniisip
O isa lamang panaginip
Alam ko kung ano'ng sintomas ito
Siguro'y in-love ako

Sa buong buhay ko'y pinangarap ko ito
Pero hindi ko makita ang iyong mukha
Hindi ako magtataka kung ang dalawang magkalayong tala
ay sa isang lugar rin mapupunta

Siguro'y in-love ako
Siguro'y in-love ako
Sa iyo

Sa Payong ng Pagmamahal ko

Ang kantang ito ay kinanta ni Ceres Tanjutco ng UP-Baguio. Kung napapakinggan niyo ito sa mga radio stations ng metro Baguio, talaga namang napakaganda ng kantang ito... kaya halina't makisabay tayo sa agos ng ulan habang nakasilong sa ilalim ng PAYONG...



PAYONG....

ako ba ang nais mong sukuban?
ako ba ang nais mong hagkan?
pag-ibig ko ba ang nais makamtan?

ikaw ay aking papayungan
sa lahat ng bagyong darating
sa buhay mo,nandito lang ako

Chorus:
susubukang mabihag ang puso mo
sa payong ng pagmamahal ko
hanggang sa mapagod ako
sa kakapayong sayo...

ako ba ang sinisigaw ng damdamin?
ako ba ay hinahanap-hanap?
hindi ko na alam kung ano ako sayo

Chorus:
susubukang mabihag ang puso mo
sa payong ng pagmamahal ko
hanggang sa mapagod ako
sa kakapayong sayo...

susubukang mabihag ang puso mo
sa payong ng pagmamahal ko
hanggang sa mapagod ako
sa kakapayong sayo...

November 13, 2005

Isang poem na kanta pala hehehe...

Para sa Iyo
By: Learcival M. Baniqued

Sa buong buhay ko
Ikaw lang ang mahal
Ang tunay na pumapawi
Ng pagdaramdam

Sa buong buhay ko
Mananatili ka
huwag ka nang mangangamba
Ikaw lang sinta

Siguro nga'y mahal kita
Hindi ka na mag-iisa
Pag-ibig ko'y sa iyo lamang
Hindi ka na magdaramdam

Chorus:
At ako ay iyong dalhin
Sa ihip ng hangin
Sa tinig kong kay lamig
Awit ng paglalambing
At ako ay yakapin mo
Magpakailanman
Sana ay malaman kong
Ako'y iyong mahal

Sa tuwing kapiling ka
Buhay ko'y kaysaya
Nawawala ang problema
'Pag kasama ka

Sa tuwing kapiling ka
'Di na nag-iisa
Ako'y sa iyo, ika'y sa 'kin
Ang tanging hiling

Minsan pa ay madama
Pag-ibig na nadarama
Ang init na iyong hatid
Sana'y aking mabatid

Chorus:
At sa piling ko ay ikaw
Ang nag-iisa
Sa bawat araw ay ikaw
Ang aking nadarama
Yayakapin ka't hahagkan
Magpakailanman
Asahan mong habambuhay
Ika'y aking mahal

Sa 'king puso ay ikaw
Magpakailanman
Asahan mong habambuhay
Ikaw lang sa 'king buhay
Sana ay malaman mong
ika'y aking mahal